'Wag Sayangin ang Buhay Podcast Por John Piper arte de portada

'Wag Sayangin ang Buhay

'Wag Sayangin ang Buhay

De: John Piper
Escúchala gratis

Ang audiobook na ito ay magpapaalala sa iyo na 'wag hayaang mawalan ng saysay ang iyong buhay. Hahamunin ka nito para mabuhay at mamatay na tanging ang krus ni Cristo ang ipinagmamalaki at ang kaluwalhatian ng Diyos ang nag-iisang passion. Kung naniniwala ka na ang buhay ay para kay Cristo at ang kamatayan ay pakinabang, pakinggan mo ang audiobook na ito. Pag-aralan mo kung paano mabuhay para kay Cristo, at 'wag sayangin ang buhay!

"Nilikha tayo ng Diyos para mabuhay na may nag-iisang passion para buong kagalakang itanghal ang kanyang kadakilaan sa lahat ng aspeto ng buhay. Ang buhay na sinayang ay ang buhay na wala ang passion na ito. Tinawag tayo ng Diyos para manalangin at mag-isip at mangarap at magplano at magtrabaho hindi para mas mapahalagahan tayo kundi para pahalagahan at itaas siya sa bawat bahagi ng ating buhay." - John Piper

Salin sa Filipino/Taglish ng Don't Waste Your Life
Copyright @ 2024 by Treasuring Christ PH
Audiobook created using ElevenLabs2025
Arte Cristianismo Espiritualidad Historia y Crítica Literaria Ministerio y Evangelismo
Episodios
  • Chapter 10 • Ang Panalangin Ko—Wala Sanang Magsabi sa Huli, "Sinayang Ko ang Buhay Ko!"
    Jul 16 2025
    Sa huling chapter, nananalangin si Piper na walang sinuman ang magsisisi sa dulo ng buhay at sabihing, “Sinayang ko ang buhay ko!” Ipinapaalala niya na ang bawat araw ay pagkakataon para mabuhay nang may saysay—para sa kaluwalhatian ng Diyos. Hindi ito tungkol sa pagiging sikat o successful sa mata ng mundo, kundi sa pagiging tapat sa Diyos sa bawat aspeto ng buhay.
    Más Menos
    21 m
  • Chapter 9 • Ang Kadakilaan ni Cristo sa Pagmimisyon at Mabuting Gawa: Isang Panawagan sa Henerasyon Ngayon
    Jul 10 2025
    Sa chapter 9, nananawagan si Piper sa bagong henerasyon na ibuhos ang buhay para sa misyon at mabuting gawa—hindi para sa sarili, kundi para sa kaluwalhatian ni Cristo. Ipinapakita niya na ang tunay na kayamanan ay hindi sa pag-iipon ng yaman o comfort, kundi sa pagpapakilala kay Jesus sa mga hindi pa nakakakilala sa kanya. Ang buhay na ginugol sa misyon, pagtulong sa mahihirap, at pag-ibig sa mga nawawala ay hindi nasasayang—ito’y buhay na may halagang pangwalang-hanggan.
    Más Menos
    59 m
  • Chapter 8 • Ang Pagpapahalaga kay Cristo sa Ating Pagtatrabaho
    Jul 5 2025
    Sa chapter 8, tinuturo ni Piper na kahit sa ordinaryong trabaho, pwede nating maluwalhati si Cristo. Hindi lang ang mga pastor o missionaries ang may “spiritual calling”—lahat ng trabaho ay may halaga kung ginagawa ito para sa Diyos. Ang pagiging accountant, teacher, engineer, o kahit janitor ay pwedeng maging paraan para ipakita ang kagandahan ni Cristo sa mundo.
    Más Menos
    58 m
Todavía no hay opiniones